Tikman ang kakaibang pagkain sa Simple Lang

Nasabi ko na ba sayong napakasarap sa Simple Lang? Pag hindi ko pa nasabi sayo, basahin ito ng mabuti mga kapamilya, kapuso, kapatid o anumang channel ang pinapanuod nyo:

Dumayo ako ng Ayala Triangle, Makati kasama ang aking mga kapwang blogger para malasahan ang kakaibang pagkain sa Simple Lang.  




Sobrang hanga talaga ako kay Chef Frederick Arellano at naisip nyang gawin ang mga putahe na ito tulad ng pampagana na Crispy Ukoy and Green Mango Salad (P140).  Napansin ko lang kay chef ay medyo torpe siya pero feel ko masasanay din yan kasi padami ng padami ang pag guest niya sa mga TV show. Praktis konti sa pagngiti, parekoy.






Napansin ko na medyo tomguts na ang mga kasama ko dahil napicturan ko ang Tinapa't Tops (P185) at paglingon ko pagkatapos ng ilang minuto ay sauce na lang ang natira.  Hindi naman ako nagrereklamo kasi alam kong nasarapan sila.  
 




Nakuha ko ang pagbuhos ng sauce ng Crispy Palabok (P275) sa puting noodles nya.   Malaki ang putahe na ito at pang dalawa o kaya tatlong tao pero kaya ko din tong ubusin sa sobrang takaw ko.  Sa unang tingin pa lang, sabi ko sa sarili ko na hindi ito nakakaumay at tama ako. Sabi na nga ba eh!






Nagustohan ko ang pagiging malutong ng sisig sa Crispy "Chop Chop" Pork Belly Dinakdakan (P195). Siguradong babalik balikan mo ang sarap nito.

 


Akala mo naduduling ka noh? Hinde ka nagkakamali at nakakakita ka ng Sinigang na Crispy Bagnet sa Watermelon (P395).   Sa unang pagkadineg mo sa ulam na ito ay hindi mo akalain na magiging ok ang lasa pero sa unang pagkatikim mo ay mapapahalakhak ka sa sarap. 

 



Ang Mixed BBQ Plate (P595) ay may baboy, manok at pusit.  Pag natikman mo ito ay maalala mo ang mga nilulutong BBQ ni Manong sa kalye pero syempre mas masarap ang luto ni Chef Fred. Malayo ang agwat.
 




 Bago pa ako pumunta sa Simple Lang ay nakita ko na ang Mango Sago (P150) sa kanilang Facebook page at sobra akong sabik masubukan siya.  Hindi ako nadismaya sa lasa kasi gusto ko na talaga ang Mango Sago kaya tuwang tuwa ako at naging inumin din siya.
 




Habang ang ibang bloggers ay busog na, tumunog ang tiyan ko at medyo nagreklamo pero tumigil siya ng lumabas ang Chorizong Tortang Talong Pancake (P160).   Nakakapanibago din ang maasim na itlog sa ibabaw ng talong pero sa mabuting paraan.





Ang Sisig Fried Rice (P180) ay isa sa konting pangkaraniwang putahe sa Simple Lang.  Makikita mo din ito sa ibang mga kainan pero ang bersyon ng Simple Lang ay malinamnam.





Kahit maulan ang panahon ngayon, okay pa din mag Simple Lang Halo Halo (P175) Sa bagay, kahit ano man ang panahon masarap kainin ito.  Sa itsura pa lang parang gusto mo ng kaining ng isang subo.




 
Mahileg talaga ako sa buko pandan kaya nagdiwang ako ng nilabas nila ang Buko Pandan Pinipig Crush (P150).   Sigurado ako mapapamura ka sa sarap kapag natikman mo ito.





Ang Turon Bites (P95) ay isang dessert na swak na swak sa budget.  Bigyan ng jacket ang kung sino man ang nakaisip nito.


Simple Lang
Ayala Triangle, Makati




Oops teka lang bago mo patayin ang laptop o computer mo, pwede ka pang manalo sa aking contest ng P1000 Simple Lang GC.  Malamang nakatitig ka sa monitor mo at sinasabi mong "Weh? D nga?" Seryoso ako kaya sundin nyo ang mga gagawin sa Rafflecopter at baka sakaling manalo kayo:



a Rafflecopter giveaway



19 (mga) komento:

Rochkirstin Santos ayon kay ...

Isang beses lang ako nakadayo sa Ayala Triangle and saw several interesting restaurants to try. This establishment has a very catchy name. I'm not a fan of Filipino food but their halo-halo looks irresistible!

Stephanie Lee ayon kay ...

This post makes me crave! First time to read about "Simple lang" resto and i think i need to visit that restaurant soon :) Thanks for this post :D

Sam Lanuza ayon kay ...

Nagulat ako tagalog yung post. Mas nagkaron ng emphasis ang filipino specialties. :)

Stacy Liong ayon kay ...

simpleng simple

Fernando Lachica ayon kay ...

Halo-Halo and BBQ, I like it....I've done joining the giveaway.

Aio Kona ayon kay ...

I wish I knew about this place when I was still working at the Zuelling Bldg in Ayala Triangle. Ang hirap kaya maghanap ng makakainan dun na kahit medyo pricey, at least naman satisfied sa binayad. I survived on fast food and jolli-jeep, and the occasional chowking. Oh well, never to late to go down to Ayala and give this resto a shot. BTW, I joined the raffle. Hope to win! (I will spend it there if I do)
Tagline: "Simpleng gutom? Simple lang!"

Lawrence Andrew Fernandez ayon kay ...

Simple Lang: Sarap na Walang Arte

Rochkirstin Santos ayon kay ...

Simple Pero Masarap!

Janine Daquio ayon kay ...

Simple Ngunit Ibang Klase

kelly biasong ayon kay ...

Habang tumatagal Lalong sumasarap :D

pingboo Ü ayon kay ...

Tingin pa lang, nasasarapan ka na.

kehrin morales ayon kay ...

simpleng kainan pero rock tyan!

EmCel Fajardo ayon kay ...

Simple lang pero astig

Pau A ayon kay ...

Lutong Pagkain Pinoy: Simple Lang! :)

sherry ann gole cruz ayon kay ...

simple sarap na hahanaphapin!

helen gatbonton ayon kay ...

simpeng pagkain ,masarap na mabibili s murang halaga lang

aiza sakaluran ayon kay ...

simple lang once you taste it you always want it..

yna Bronozo ayon kay ...

Gutom: SIMPLE LANG Ang Sagot dyan!!

Joane Esban ayon kay ...

How to enjoy life? Simple lng.. :)

Mag-post ng isang Komento